Linggo, Abril 24, 2011

             Isang batang maralita na itatago natin sa pangalan na "popoy" ang nangarap na makilala. Lahat ng kaya niya, ginawa nya para lang makilala sya. Sumali sa contest sa drawing, sa basketball at kung ano ano pa. Then one time, napakinggang nya ang kanta na "hinahanap ng puso" na nilikha ni Gloc 9. Naging idolo nya si Gloc 9. Pinilit nya na maging katulad ng idol nya. Lumikha sya ng mga awiting nagsasaad ng mga kwento na hango sa totoong karanasan niya.

             Dahil sa mahiyain din siya, di nalang niya ito ipinalagay sa plaka. Naisip nya, baka pagtawanan lang ang mga nilikha niya. Kaya ginawa nalang niyang libangan ang paglikha ng mga kanta.

             Hanggang dumating sa punto na nagmahal siya. Dahil siya ay torpe, at hindi niya masabi, lumikha siya ng kanta. Hindi naman niya inalay sa mahal niya dahil natatakot siya lapitan ito.

             Ngayon nasa kolehiyo na siya. nakakilala siya ng mga tropa na kahit saan, di siya iniwanan. Unang pasukan, June 15,2010, sa admin building ng Unibersidad ng Makati. Doon unang nagkakilala ang mga magkakaibigan. Bawat break time, sila lagi ang magkakasama. Mapatrip man o gala, mapacutting man o alak. Sila yung grupong malakas mantrip, pero hindi nakakasakit. Kaya tinawag nila ang grupo nila na "badboys". Pero madami naaaliw sa kanila dahil iba daw sila pag kasama. nawawala ang problema basta't sila ang kasama. Di nila ineexpect na magkakaroon sila ng madaming kaibigan dahil nga sa malakas sila mantrip. Kaya etong si founder, gumaa ng motto. "Anghel  man sa paningin, demonyo pa din". Hanggang sa naging parang fraternity na. Nagkaroon sila ng hazing. Pero hindi sila nagdagdag ng miyembro. Hawak ng TAU GAMMA PHI (Triskelion) ang badboys dahil tatlo sa member nila, ay mga Triskelion. Naging mga colorum ang mga member na yun. Kumakamay sila sa mga brod at sis. Kaya lalong lumala ang pantitrip nila. Pero kahit anong gawin nila, para sa mata ng iba, maganda pa din ang imahe nila.

              Dumating ang araw na sunod sunod ang problemang dumating sa buhay ni popoy. palagi silang lasing. Madaling araw na sila kung umuwi. bigla nalang pumasok sa isip ni popoy na "ano kay? Sumali kaya ako sa kapatirang Triskelion? Mapapatay kaya nila ako?" Ang tanging nasa isip ni popoy nun, sana mamatay na siya. Pero kinontra siya ng mga tropa niya. Naranasan na daw nila ang hirap kaya ayaw nilang maranasan ito ng kaibigan nila. Sabi ni popoy. "ayos lang. Kamatayan naman talaga ang haboil ko eh." Wala nang nagawa ang mga tropa niya kundi ang ipasok siya.

              Dumating na ang araw na ihehazing na siya. Alam niya, hindi papalo ang mga tropa niya. At alam din nyang binebaby ang mga katawan ng tulad ng sa kanya na payat. Sinabi niya, "master, pumalo din kayo. At pakiusap master, wag niyo ako bebaby-hin". Sinunod ng mga brod ang gusto niya. Ilang beses sya napaluhod at ilang beses din siyang natumba. Akala niya kamatayan na niya. Kamalas malasan nga lang, nabuhay pa siya.

              Mula nang mabilang siya sa mga Triskelion, nagiba ang buhay niya. Lalo siyang naging walanghiya. pero dahil doon, medyo nawala na ang takot niya sa mga magulang niya.

              Isang gabi nang martes, gabing gabi na siya umuwi. Naabutan niyang nagiinom ang papa niya. Ipinipilit ng tatay niya na lasing siya. Paulit ulit. Nakakarindi. Hanggang umabot sa point na nagwala siya. Kinuha niya ang lanseta at iniabot a papa niya. Sabi niya, "tutal wala naman akong kwentang anak para sa inyo, eto, patayin niyo nalang ako. Pero hindi siya muntik mamatay dahil sa saksak. Naging kritikal siya dahil inatake nanaman siya sa puso. Sayang nga lang, minor lang ang nangyari sa kanya. Di nanaman siya namatay.

              Makalipas ang ilang buwan, habang nakatambay sa park, at naghehenna, may lumapit na dalawang lalaki sa kanila. Ginangster niya. "Ano kailangan nyo?" wika niya. "Magsheshare lang sana kami ng kaunting magic" ang tugon. Dahil nagmamagic din sila popoy, naengganyo silang manood ng mga bagong routines. Naging magtotropa sila hanggang sumali si popoy at si cloud sa grupo nilang tinatawag na SIGNOS GUILD OF MAGIC o SGM.

              Doon nalaman ni popoy ang totoong gusto niya. Yun ay mapasaya ang mga tao sa pamamagitan ng magic. Dahil tuwing may napapasaya siya, gumagaan ang pakiramdam niya. At hanggang  ngayon, patuloy siyang nagpapasaya samit ang magic.

               Yan si popoy. Simple lang, pero kinakatakutan. Payat sa katawan, pag sa away, inaatrasan. Sobra kung magmahal, kaya pag iniwan, sobra sobra ang sakit na nararamdaman. Isang triskelion. Iniidolo at hinahangaan. At mahal na mahal niya ang basha niya. xD





                                                                 ♠♠♠Popoy♥Basha♠♠♠

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento