Biyernes, Abril 29, 2011

Basha and Popoy lines

Popoy: Bash, ganon mo ba talaga kagusto lumayo sakin para gawin mo pa to? 
Basha: Not everything is about you, Popoy.
Popoy: Then why are you doing this? 
Basha: Dahil ito ang gusto ko. 
Popoy: Pero pano tayo? Pano ang mga pangarap natin? Basha, yung kasal? Akala ko ba walang magbabago? Basha… Paano na tayo? Basha: Wala nang tayo, Popoy
Popoy: Ganon lang yon? Bash, five years! Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to?
Basha: I already gave five years of my life, Poy. It’s about time you give me what I want. 
Popoy: But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo, mawala ka sa buhay ko. Bash naman. Bash, kahit mahirap, ayusin natin to. If this is about me being too controlling and boring, alam mo naman na sinusubukan ko, diba? Bash, wait, sandali, sandali lang. Alam nating pareho na madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin. 
Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. Bash. Basha, please.


Popoy: Bash, mahal na mahal kita. At ang sakit sakit na. ;(



Basha: Litung-lito na ko e. Di ko na alam gagawin ko. I need your expert opinion. Si Popoy kasi e… 
Mark: Popoy? E kailan naman ako naging expert kay Popoy?
Basha: Lalaki ka. Tsk. Anyway, Mark, kasi kanina nagpunta kami kela Kenneth. Hindi man lang niya ako sinigawan. 
Mark: O, isn’t that good?
Basha: Ang bait-bait pa nya sakin kanina. Tapos chinika-chika pa nya ko, bumeso-beso pa sya sakin bago sya umalis. O, bakit nya ginawa yun? Ano ibig sabihin nun?
Mark: Bakit, bawal ba?
Basha: Ugh, Mark! Mark, nandon ka nung sinigaw-sigawan nya ko! Halos patayin nya na ko nung huli kaming magkita. Nandon ka, diba? O, e anong nangyari? 
Mark: O, e baka okay na siya. 
Basha: Okay na siya as in hindi na siya galit sakin? 
Mark: Bash, okay as in tanggap na nya na hindi na kayo magkakabalikan-- kasi nakamove-on na sya. 
Basha: Tingin mo?


Popoy: Ano ba ang pinagkakaganyan mo? Dahil pinupuna ko yung mga designs mo? 
Basha: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako. 
Popoy: Ayan ka na naman. 
Basha: Ano na naman ako!
Popoy: Ayan, ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala
Basha: Wala naman talaga e.
Popoy: Bash! Pano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam? 
Basha: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
Popoy: E ano nga kasi ang problema?
Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema! Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na lang sabihin sayo na masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi e. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong, sana ako pa rin, ako na lang-- ako na lang ulit. 
Popoy: Mahal ko si Trisha. 
Basha: Alam ko. Alam ko
Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.
Basha: Popoy, yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
Popoy: And you chose to break my heart.

 

Basha: Chinno, nandito kami. Naiintindihan ka namin. 
Chinno: Hindi nyo ko naiintindihan! Si Popoy lang nakakaintindi sakin e. Nasan si Popoy? 
Popoy: Chinno…
Chinno: Poy, hindi ko na alam. Hindi ko na alam, Pare. Ayoko na! Hindi ko alam na ganito pala ang sakit. Take me Lord please!
Popoy: Shhh, huy, ano ba. Chi, kung nakaya ko, kaya mo rin. Naalala mo nung ako yung nandyan? O, e diba’t ikaw pa ang nagsabi sakin na kaya baka tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin. Ng lahat ng mali sa buhay mo.

Trisha: Poy, walang madaling paraan para gawin to-- kasi ang sakit na. Sabihin mo na lang yung totoo. Please. Mahal mo ba ko? 
Popoy: Trish, alam mong mahal kita. 
Trisha: Mahal mo ba siya? 
Popoy: Hindi ko kayang makita kang nasasaktan. 
Trisha: [closes Popoy’s eyes] Para kung masaktan man ako, hindi mo makita. Mahal mo pa ba siya? 
Popoy: I’m so sorry. 
Trisha: Gusto mo na bang tapusin to? 
Popoy: Mapapatawad mo pa ba ko?



Basha: I’m sorry. I’m sorry. 
Popoy: No. I am sorry. I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung kasing magkahiwalay tayo, ang inisip ko sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry Bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo ring hanapin yung Bashang nawala nung minahal mo ko. 
Basha: Yung Bashang mahal ka pa rin. 
Popoy: Hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na, sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit. Pero sa tuwing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. And I’m sorry. 
Basha: Anong dapat kong gawin? 
Popoy: Ako na to e, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na lahat ng sakit. Para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti satin. Para bumalik yung Popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin nang buong-buo-- nang walang halong takot kung masaktan man tayong muli.

(More)
Trisha: I love you and I will tell you everyday, Everyday until you forget the things that hurt. I hate the things that make you hurt. And how I wish I could take them away. If only it could be done, I'll do it for sure.
--
Chinno: Lecheng Shampoo yan hindi pa ko tinuluyan! Take me Looord!
--
Chinno: Hindi sa tagal yan ah, ung iba nga jan sa haba haba pero sa hiwalayan dn ang tuloy! Pero di kaw yun poy.
--
Popoy: Bash, di mo ba alam yung three-month break-up rule? Lahat ng taong na-inlove at nakipag-break ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna, tatlong buwan. Di ba tatlong buwan bago ka makipag boyfriend ulit. Bash, may dalawang linggo pa ako eh, dalawang linggo pa. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Bakit ba kating-kati kang palitan ako? PI naman Bash, ganyan ka ba katigas? Parang awa mo naman. Sumagot ka!
--
Popoy: Malaki lang ang katawan mo! Pero d mo ako kayang patumbahin!
--
Basha: Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit-sakit?
--
Basha: Alam mo yung feeling na parang sinusuko ko na sayo lahat! Poy nakakasakal eh, nakakasawa. I wanna stop wondering, what if. I want to know what is.
--
Kenneth: Love is blind, so love me.
--
Krizzy: Don’t you see it? Kung hindi nya pinili ang sarili niya, kung hinayaan nya na ikaw parati ang masunod, her heart would have been broken every moment she’s with you. Hanggang wala ng matira sa Basha’ng minahal mo… yun ba talaga ang gusto mo, Poy?
--
Popoy: Tito, mag Biogesic ka muna. (nag-endorse pa!)

Linggo, Abril 24, 2011

             Isang batang maralita na itatago natin sa pangalan na "popoy" ang nangarap na makilala. Lahat ng kaya niya, ginawa nya para lang makilala sya. Sumali sa contest sa drawing, sa basketball at kung ano ano pa. Then one time, napakinggang nya ang kanta na "hinahanap ng puso" na nilikha ni Gloc 9. Naging idolo nya si Gloc 9. Pinilit nya na maging katulad ng idol nya. Lumikha sya ng mga awiting nagsasaad ng mga kwento na hango sa totoong karanasan niya.

             Dahil sa mahiyain din siya, di nalang niya ito ipinalagay sa plaka. Naisip nya, baka pagtawanan lang ang mga nilikha niya. Kaya ginawa nalang niyang libangan ang paglikha ng mga kanta.

             Hanggang dumating sa punto na nagmahal siya. Dahil siya ay torpe, at hindi niya masabi, lumikha siya ng kanta. Hindi naman niya inalay sa mahal niya dahil natatakot siya lapitan ito.

             Ngayon nasa kolehiyo na siya. nakakilala siya ng mga tropa na kahit saan, di siya iniwanan. Unang pasukan, June 15,2010, sa admin building ng Unibersidad ng Makati. Doon unang nagkakilala ang mga magkakaibigan. Bawat break time, sila lagi ang magkakasama. Mapatrip man o gala, mapacutting man o alak. Sila yung grupong malakas mantrip, pero hindi nakakasakit. Kaya tinawag nila ang grupo nila na "badboys". Pero madami naaaliw sa kanila dahil iba daw sila pag kasama. nawawala ang problema basta't sila ang kasama. Di nila ineexpect na magkakaroon sila ng madaming kaibigan dahil nga sa malakas sila mantrip. Kaya etong si founder, gumaa ng motto. "Anghel  man sa paningin, demonyo pa din". Hanggang sa naging parang fraternity na. Nagkaroon sila ng hazing. Pero hindi sila nagdagdag ng miyembro. Hawak ng TAU GAMMA PHI (Triskelion) ang badboys dahil tatlo sa member nila, ay mga Triskelion. Naging mga colorum ang mga member na yun. Kumakamay sila sa mga brod at sis. Kaya lalong lumala ang pantitrip nila. Pero kahit anong gawin nila, para sa mata ng iba, maganda pa din ang imahe nila.

              Dumating ang araw na sunod sunod ang problemang dumating sa buhay ni popoy. palagi silang lasing. Madaling araw na sila kung umuwi. bigla nalang pumasok sa isip ni popoy na "ano kay? Sumali kaya ako sa kapatirang Triskelion? Mapapatay kaya nila ako?" Ang tanging nasa isip ni popoy nun, sana mamatay na siya. Pero kinontra siya ng mga tropa niya. Naranasan na daw nila ang hirap kaya ayaw nilang maranasan ito ng kaibigan nila. Sabi ni popoy. "ayos lang. Kamatayan naman talaga ang haboil ko eh." Wala nang nagawa ang mga tropa niya kundi ang ipasok siya.

              Dumating na ang araw na ihehazing na siya. Alam niya, hindi papalo ang mga tropa niya. At alam din nyang binebaby ang mga katawan ng tulad ng sa kanya na payat. Sinabi niya, "master, pumalo din kayo. At pakiusap master, wag niyo ako bebaby-hin". Sinunod ng mga brod ang gusto niya. Ilang beses sya napaluhod at ilang beses din siyang natumba. Akala niya kamatayan na niya. Kamalas malasan nga lang, nabuhay pa siya.

              Mula nang mabilang siya sa mga Triskelion, nagiba ang buhay niya. Lalo siyang naging walanghiya. pero dahil doon, medyo nawala na ang takot niya sa mga magulang niya.

              Isang gabi nang martes, gabing gabi na siya umuwi. Naabutan niyang nagiinom ang papa niya. Ipinipilit ng tatay niya na lasing siya. Paulit ulit. Nakakarindi. Hanggang umabot sa point na nagwala siya. Kinuha niya ang lanseta at iniabot a papa niya. Sabi niya, "tutal wala naman akong kwentang anak para sa inyo, eto, patayin niyo nalang ako. Pero hindi siya muntik mamatay dahil sa saksak. Naging kritikal siya dahil inatake nanaman siya sa puso. Sayang nga lang, minor lang ang nangyari sa kanya. Di nanaman siya namatay.

              Makalipas ang ilang buwan, habang nakatambay sa park, at naghehenna, may lumapit na dalawang lalaki sa kanila. Ginangster niya. "Ano kailangan nyo?" wika niya. "Magsheshare lang sana kami ng kaunting magic" ang tugon. Dahil nagmamagic din sila popoy, naengganyo silang manood ng mga bagong routines. Naging magtotropa sila hanggang sumali si popoy at si cloud sa grupo nilang tinatawag na SIGNOS GUILD OF MAGIC o SGM.

              Doon nalaman ni popoy ang totoong gusto niya. Yun ay mapasaya ang mga tao sa pamamagitan ng magic. Dahil tuwing may napapasaya siya, gumagaan ang pakiramdam niya. At hanggang  ngayon, patuloy siyang nagpapasaya samit ang magic.

               Yan si popoy. Simple lang, pero kinakatakutan. Payat sa katawan, pag sa away, inaatrasan. Sobra kung magmahal, kaya pag iniwan, sobra sobra ang sakit na nararamdaman. Isang triskelion. Iniidolo at hinahangaan. At mahal na mahal niya ang basha niya. xD





                                                                 ♠♠♠Popoy♥Basha♠♠♠

Basha Koh!

                Di ko alam na sa itsura kong ito, may magkakagusto pa sa akin. kasi alam ko kaya lang ako sinagot ni dada, para panakip butas lang. Inamin nya na dapat daw one week lang kami. Naisip ko, "wala na talagang magmamahal sa akin ng totoo". And then one time, may nakachat akong kakagraduate lang ng elementary. Arianne pangalan nya. Sinabi nya sa akin na may gusto daw sa akin yung tropa nya. Giuzellie Filoteo ang pangalan. Nice name noh? Sabi ko sa isip ko, "mukhang pinagtitripan lang ata ako nito ah?" tapos kinabukasan, nakita kong nakaonline si giuzellie. Tinanong ko kung totoo yung sinabi ng kaibigan nya. Excited na ako sa isasagot nya. Hindi ko alam kung bakit kinanakabahan ako. Alam nyo ba sagot nya? "secret" tapos kinulit ko sya ng kinulit hanggang sagutin nya yung tanong ko. Nakulitan sya sa akin.Alam nyo ba ang ginawa nya? Naglog out sya. Di tuloy ako mapakali after that day.

                 Nung next time na nagkachat ulit kami, kinuha ko number nya. Nung una ayaw nya ibigay. Baka iniisip nya na masama akong tao. Aheks. Pero ibinigay din naman nya. Kasi nagpaawa epek ako eh. Naging magtextmate kami. After some weeks, parang may nararamdaman akong kakaiba. Yun pala tumaas nanaman ang blood sugar ko. Nyak. Parang minamahal ko na sya.


                 Niligawan ko siya kahit na may girlfriend ako.Hindi ko ginawa yun dahil sa chikboy ako. kasi wala naman magkakagusto sa akin nung mga time na yun. Itatanong nyo kung nagdalawang isip ako? Isa lang ang sagot ko. Hindi. Hindi ba kayo nagbabasa? Diba nakalagay na sa itaas yung plano ni dada. oh, babalikan pa yan. Kaya ko siya niligawan kasi yung pagmamahal na ibinibigay nya, higit pa sa pagmamahal ni dada. Partida, sa text pa lang yun, tapos nahigitan na yung pagmamahal ni dada. Pano pa kaya kung nagkikita na kami? Naging kami (parang m.u lang). Pinahalagahan ko siya sa paraang alam ko at sa paraang gusto niya. Naging masaya kami.

                  Sa kasamaang palad, di kami tumagal. Kasi inakala ko maskaya pa higitan ni dada yung pinapakita ni Giuzellie na pagmamahal para sa akin. Pinili kong bitawan si Giuzellie para kay dada. But after 9 days ng break up namin ni Giuzellie, binereak na din ako ni dada. Binereak nya ako dahil lang sa pagsali ko nang frat. Pano pa kaya kung sinabi may gusto lang nya akong hindi nasunod? Baka kamunghian pa ako nun.

                  Sinubukan ko bumalik kay Giuzellie. Nagsisi ako dahil bakit sya yung binitawan ko kahit alam kong masmasaya ako sa kanya. Naging kami ulit(yung mag on na talaga). Pero parang nawala ako sa sarili ko. Para akong sinaniban ng demonyo. Kaya kahit masakit, pinili  kong bitawan ulit sya para di na sya madamay sa mga katangahan ko.

                   Mula nung araw na yun, siimulan ko nang magbisyo. Lahat na ata ng bisyo nagawa ko na. Maliban sa droga at pangbababae.

                   Pag nag ffacebook ako, nakikita ko masaya na sya sa piling ng iba. Pag nakikita ko yung mga post nila, nasasaktan ako. Nagppretend nalang na masaya. Kaya si Erickskie, lalong ginanahan magbisyo.

                   Then dumating nanaman yung time na pwede na ulit kami. Pero natatakot na ako kasi baka masaktan ko ulit sya. Then nagkaroon na ako ng lakas ng loob para ligawan ulit sya. Nagkachance ulit ako. Kaso sasagutin nya daw ulit ako pag nakauwi na ako ng olongapo. Pinilit ko magbago para sa kanya. Nagpakatino ulit ako. Pero di pa umaabot ng paguwi ko, nagalit na sya sa akin. dahil sa pagmisinterpret sa message ko sa kaklase nya. Syempre mahal na mahal ko siya, nagsorry ako. Gumawa ako ng paraan para magkaayos ulit kami. Pero sadyang malas nga lang talaga ako eh. Biglang may umepal. Naging sila. Naging masaya siya sa piling nug paepal. At ako? Ayaw na daw nya ako makausap.

                    Eto na. Dumating na yung araw na umuwi ako ng Olongapo. Sinabi ko sa kanya na nakauwi na ako. Pero parang wala lang. Parang di siya naniniwala. Naisip ko tuloy wala na nga pala sa kanya kahit makauwi ako kasi may bf na sya. At inisip ko baka hindi talaga sya naniniwala.

                    March 30, 2011, pumunta ako sa school. Habang naglalakad ako, sa di naman kalayuan sa creation gift shop, parang may anghel akong nakitang pumasok. Nung tatlong hakbang nalang ang distansya ko sa creation, biglang lumabas yung anghel. Di ako makapaniwala. Napahinto ako. Totoo ba toh? Si Giuzellie Filoteo ang sumakay sa trike sa harapan ko?

                    Tinext ko sya. Gusto ko sya sana makausap kasi galit sya sa akin. Pero wala syang time. Hanggang nakalipas na nga ang araw na yun at ang graduation na hindi man lang kami nagkausap ng personal. Hanggang umuwi nanaman ako sa makati. Talagang mapanadya ang tadhana. Kung kelan naging okay nanaman kami, dun naman dumating ang time na masmalalayo nanaman ako sa kanya. Kelangan ko magstay ng tagaytay dahil mainit ako sa mata ng mga p.i na APO na yan.

                    Sinusulit ko na yung time na pwede ko pa sya makita. Naging okay nanaman kami. parang m.u nanaman. Sana kami na yung itinadhana.

                    Di ko alam kung kakayanin ko sa tagaytay na malayo sa kanya. Sana mahintay nya akong bumalik. Parang istorya nila basha at popoy na pagbalik ni popoy, nagkatuluyan sila.


                                                                ♠♠♠♠Popoy♥Basha♠♠♠